Ladda ner PDF
Tillbaka till listan med berättelser

Namumukod-tangi sa Tamang Dahilan

Skriven av LIDA Portugal

Illustrerad av Sunniva Høiby-Øiset

Översatt av Christlaine

Uppläst av Miracel Juanta

Språk tagalog

Nivå Nivå 4

Läs hela berättelsen

Reading speed

Automatisk avspälning


Si Edson ay ipinanganak sa Angola, pagkatapos maging malaya ang bansa. Siya ay isang matangkad na batang lalaki. Dahil sa kanyang taas, siya ay kakaiba. Ang mga taong nagbigay ng mga armas sa mga bata upang lumaban bilang mga sundalo sa digmaang sibil ay nagnanais na maging katulad niya.


Natakot ang kanyang ina na kukunin siya, kaya nagpasya itong ipadala sa Portugal at doon manirahan kasama ang kaniyang tiyahin. Akala niya ligtas siya roon.


Napakahirap noong una, dahil naaalala ni Edson ang mainit na panahon, ang tradisyonal na pagkain at higit sa lahat ang mga yakap at halik ng kanyang ina.


Hindi siya gaanong marunong magsalita ng Portuges at nahihirapan siyang sundan ang kanyang mga klase at ang mga pinag-uusapan ng kanyang mga kaklase. Iniisip niya kung magandang ideya na pumunta sa Portugal pagkatapos ng lahat.


Isang araw, napansin ng isang guro kung gaano siya kagaling sa basketball. Sumali siya sa isang basketball team at naging matagumpay. Naging sikat siya sa paaralan at nakipag kaibigan. Tumaas din ang kanyang tiwala sa sarili.


Ngayong siya ay nasa hustong gulang na, sinasanay ni Edson ang mga batang refugee at iba pang nanganganib na maalis sa lipunan. Isang beses, ang kanyang taas ang naglalagay sa kanya sa panganib na maging isang batang sundalo. Ngayon, ang kanyang taas ay nagbibigay sa kanya ng lakas upang matulungan ang iba na maging ligtas.


Skriven av: LIDA Portugal
Illustrerad av: Sunniva Høiby-Øiset
Översatt av: Christlaine
Uppläst av: Miracel Juanta
Språk: tagalog
Nivå: Nivå 4
Creative Commons Licens
Detta verk är licensierat under en Creative Commons Erkännande 4.0 Internationell Licens.
Valmöjligheter
Tillbaka till listan med berättelser Ladda ner PDF