Ako ay si Malik at ako ay tatlumpu’t siyam na taong gulang. Pinanganak ako sa Afghanistan. Iba ang aking relihiyon sa pangunahing relihiyon ng Afghanistan.
Sa loob ng maraming taon, ang mga taong kabilang sa aking relihiyon ay inuusig. Napakahirap nito para sa aking pamilya.
Ilang taon na ang nakalipas, mayroong digmaan. Natatakot ako na maaaring ako ‘y mamatay. Iniwan ko ang aking pamilya upang pumunta sa Europa at magsimula ng bagong buhay.
Naglakad ako ng maraming kilometro. Minsan wala akong makain at wala matutuluyan. May ilan sa mga kasama kong naglalakbay ang namatay.
Sa wakas nakarating din ako. May nakilala akong mga kababayan ko na tumulong sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala sila.
Nagsimula akong mag-aral ng wika, ngunit ito ‘y mahirap. Alam ko na mahalaga ang pagsasalita ng wika para magkaroon ng trabaho.
Nag-aral ako ng ilang taon, una upang matuto ng wika. Mahirap ito, ngunit nag-enjoy akong sa pag-aaral ng mga bagong bagay.
Matapos mag-aral, nagsimula akong magtrabaho. Una, nagtrabaho ako sa isang restawran, at pagkatapos ay naging guro dahil gusto kong tumulong sa iba.
Balang araw sana makabalik ako sa Afghanistan. Maraming tao roon ang nangangailangan ng tulong at gusto ko silang tulungan.