Ladda ner PDF
Tillbaka till listan med berättelser

Papunta sa Norway

Skriven av Aamiina

Illustrerad av Julie Cornelia van Walsum

Översatt av Christlaine

Uppläst av Miracel Juanta

Språk tagalog

Nivå Nivå 5

Läs hela berättelsen

Reading speed

Automatisk avspälning


Kami ng dalawa kong kapatid ay dumating sa Norway noong Disyembre 2016. Nagsuot kami ng damit pang-init dahil akala namin ay magiging kasing init sa Norway ang sa Somalia. Gayunpaman, pagdating namin sa airport, umuulan ng niyebe. Nilalamig na kami at malamig ang panahon. Bagama’t kaunti lang ang dala naming maleta, puro damit pang-init lang ang dala nila.


Kahit malamig, sobrang saya ko nang makarating kami sa Norway. Sa wakas makikita ko na ulit ang aking ina, na anim na taon ko nang hindi nakikita. Sinalubong kami ng nanay ko at ng dalawa niyang kaibigan. Nang makita namin siya, naiyak kami sa tuwa. Nagmaneho kami papunta sa maliit na bayan kung saan nakatira si mama.


Ang mga unang araw sa bayan ni nanay ay lubhang kakaiba. Malamig at maniyebe at walang gaanong makikita. Ang mga lansangan ay ganap na walang laman. Ang ilang taong nakilala ko ay tila malamig at hindi palakaibigan. Sa Somalia mayroong mga tao sa lahat ng dako, kaya lahat ay tila hindi pamilyar dito. Ang aking ina at ang kanyang mga kaibigan ay nagbigay sa amin ng ilang mga regalo, at pagkatapos ay isinama niya kami sa pamimili ng mga damit pang-taglamig.


Pagkatapos ng pasko ay sumali ako sa kursong Norwegian sa sentro ng edukasyon para sa mga nasa hustong gulang. Doon ako nag-aral ng dalawang taon bago magsimula sa isang ordinaryong paaralan. Ngayon ay nasa huling taon na ako, at marami na akong na kilalang mga bagong kaibigan. Ako ay sobrang palakaibigan at nasisiyahan ako makisalamuha sa ibang tao.


Pagkatapos sa eskwela, pumunta ako sa isang center na pinamamahalaan ng mga boluntaryo kung saan makakakuha ako ng tulong sa aking takdang-aralin. Sumali na rin ako sa kursong pananahi sa sentro.


Sa Somalia hindi ako nag-aral o gumawa ng anumang kurso maliban sa paaralan ng Quran. Hindi ako marunong magbasa o magsulat. Ngayon ay natutuhan ko na kung paano magsulat sa parehong Somali at Norwegian, at marami pang ibang paksa. Nang walang edukasyon, naramdaman kong wala akong katauhan. Ngayon ay nakaramdam ako ng kaalaman at kasiyahan.


Sa susunod na taon ay magsisimula ako ng sekondaryang paaralan sa seksyon ng kalusugan at pag-unlad ng kabataan. Sa hinaharap, gusto kong maging isang manggagawang kabataan. Kapag natapos ko ang aking pag-aaral, ang pangarap ko ay makakuha ng permanenteng trabaho. Gusto ko rin matutong magmaneho at kumuha ng lisensya sa pagmamaneho.


Kung nanatili ako sa Somalia, sa tingin ko ay naging isa na akong ina ngayon. Baka marami na akong anak. Kung ako ay nasa Somalia, hindi ako magkakaroon ng parehong mga pagkakataon tulad ng mayroon ako ngayon. Pakiramdam ko swerte akong nakatira sa Norway.


Skriven av: Aamiina
Illustrerad av: Julie Cornelia van Walsum
Översatt av: Christlaine
Uppläst av: Miracel Juanta
Språk: tagalog
Nivå: Nivå 5
Creative Commons Licens
Detta verk är licensierat under en Creative Commons Erkännande 4.0 Internationell Licens.
Valmöjligheter
Tillbaka till listan med berättelser Ladda ner PDF